Weblog

Tuesday, 25 August 2009

  • Vent Vent Vent. REKLAMO.


    Talaga lang, may mga oras na iritang-irita, inis na inis ako kay Bornok kahit di ako nag-P-PMS. kase napaka-dense nya minsan (o madalas), o parang walang pake. Madali nya lang ako maisantabi kase andito lang naman ako. Yung ganon. Nakakainis eh. Parang kelangan ko pang magpapansin, ganon. Pero kahit papansin din ako minsan, wala pa ring epekto.

    Fuck, kausapin mo naman ako!!! Ayoko naman yung lagi akong nagsisimula, ako laging nagtatanong!! Tanong mo kung bakit wala akong imik. Tanong mo kung bakit di ako makatulog. Tanong mo kung bakit di kita niyayakap. jeeeeezzzz....

    Ako lang ba yung ganon? May iba ba sa inyo na nakakaramdam ng ganon? At naiinis din ako sa sarili ko! Gumagawa ng drama!!!! hay nako.
    Natatakot din kasi ako, na baka pagtanda namen, wala na kaming pake sa isa't isa. Di na nag-uusap, di na nagyayakapan o nagkikiss... ayoko ng ganon. Tsaka minsan kase feeling ko ako lang yung gumagawa ng effort sa relationship... parang ako lagi yung naghahabol... basta. =(

    ay ewan!


Monday, 27 July 2009

  • Don't Be Stupid

    So nung Saturday, sama-sama ang mga kaibigan namin ni Bornok sa bar... Yung isa na kakilala namen, (di namin ka-close) eh sabog na. nakaupo lang sa upuan, tahimik at kitang-kitang sabog sya... yung gf nya, andon din pero normal lang... kwentuhan, ganon... tapos yung girl, binigyan pa ng damo yung isang kaibigan namin, kumpleto pa sa paraphernalia... nagulat ako! di ko akalain na gumagamit din yung girl (pero nung gabi na yun, parang di naman sya sabog o ano). pero sabagay bihira lang namin makita yung magsyota na yun....

    Anyway...... iniisip ko nun, WTF! yung bf nya, andun lang, all huddled up in his chair, barely talking and/or responding kasi nga sabog. pinagtatawanan na lang sya ng ibang tropa. di mo makausap ng matino... and basically, he just looked stupid! inisip ko, bakit hinahayaan ng girl na magmukhang tanga yung bf nya? bakit kailangan pang mag-damo o mag-drugs? eh alam naman natin na it's bad for you and it kills your brain cells??? ewan ko ah, na-bother lang talaga ako... sorry kung may na-offend, pero naman... kung sana magpapaka-sabog ka, dun ka na lang sa bahay... bakit ka pa sumama sa get-together ng mga tropa? napagtawanan ka pa tuloy at di ka naman makausap ng matino.... as in, kung ako yung girl, mahihiya ako kung sabog si Bornok... ang panget talaga tignan.. mukhang TANGA!!
    naisip ko rin tuloy yung ibang mga tao na nasisira yung buhay dahil sa drugs. napaka-useless!!


Thursday, 14 May 2009

  • Twitter?

    May twitter ba kayo?
    Ako wala. Pero siguro kung may twitter ako, ang mga updates ko ay parang ganito:


    -- just got home from the store.
    -- just got home from the playground.
    -- Boo-boo and I are going out for a walk.
    -- just finished watching "Only You"... AaarrrrggghhH!! si Sam siguro makakatuluyan ni Angel.
    -- time to take a shower
    -- Ano kaya'ng lulutuin ko for dinner?
    -- Ang tagal umuwi ni Bornok...


    and Repeat.
    haha. ganun lang ang weekdays ko. uneventful. pero alam mo, okay din naman. at least hindi super stressful tsaka si Boo-boo, nakakatawa talaga. Nakakatuwa itong age nya. She's almost 4!! ang bilis talaga!! nakakatawa talaga sya. may sense of humor at laging masaya =) tsaka gusto ko na syang bigyan ng kapatid!! pero ayaw pa ni Bornok tsaka kelangan kasi ng bahay.... oh well.

    -------
    Di ako mahilig sa Pop music gaya ng mga kanta ni Beyonce, Rhianna, Brittney... mga ganon... pero yung "Poker Face" ni Lady Gaga, aayyyy!! ikinababaliw ko!! gusto kong marinig lage! Parang kung naglilihi ako, yun ang pinaglilihihan ko! hehehehe.. parang ang saya-saya ng kanta-- nakaka-engganyo. parang ang sarap sayawin lalo na pag nagdadrive. hihi.

    ------
    YEY! Friday na bukas!! =)

Friday, 01 May 2009

  • Tanong

    Nung labing-isang taon ka, ano alam mo sa pag-ibig? Meron na ba?

    ako WALA!! yung pamangkin mo meron nang boyfriend!!! 11 years old pa lang! hindi ko maintindihan at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.... :(


Friday, 17 April 2009

  • Eh?


    Lumabas kami ng kaibigan ko kanina. Nagpunta kami sa Chinatown (at adik ako sa mga bags!!! help!! andami don!!!) Tapos kumain kame sa Vietnamese Restaurant. Sarap talaga ng pho. Umorder ako ng iced coffee. Dati pag kumakain kami ni Bornok sa Vietnamese Restaurant, ayaw nya 'ko paorderin non kase matapang daw. Eh nakalimutan ko kse kaninang umaga ko pa gusto uminom ng kape kaya umorder ako. Natikman ko, wow, ang tapang nga! as in di ko naubos. Ilang sip pa lang ako, parang nagkaron ako ng cold sweats, tapos nafeel ko agad na malapit na 'kong mag-shake at mag-palpitate ang puso... di ko na inubos!! ang tapang!!! Yun lang, gusto ko lang i-share sa inyo. Babala, kumbaga.


    Nasosobrahan na 'ko sa kakapanood at kakabasa ng tungkol kay Ted Failon at sa asawa nyang namatay. Parang suicide naman eh, pati sabi ng kapatid ng asawa ni Ted na kasama lang nya nung umaga. Nagtext pa "Patawarin nyo ako. Mahal na mahal ko kayo." (parang ganon) eh parang suicide note na yun ah? Parang gusto ata kasi dikdikin si Ted ng QC police eh. tsk tsk... kawawa naman sila at ang pamilya. Parang ang dami ko pang gustong sabihin pero tama na kase inaaya na 'ko ni Boo-boo lumabas. Tsaka nga pala... bwisit na bwisit ako sa mga pulis, kung pano nila inaresto yung mga kapatid ng asawa at kasambahay nila... tsk tsk!!! kakahiya sila!!!

    Pag-usapan natin 'to. Anong masasabi mo???


nawawala

  • Visit nawawala's Xanga Site
    • Name: nawawala
    • Gender: Female
    • Member Since: 9/6/2006

Weblog Archives

Don't worry - your calendar is here… to see it in action just click "Save" above and refresh the page.