Lumabas kami ng kaibigan ko kanina. Nagpunta kami sa Chinatown (at adik ako sa mga bags!!! help!! andami don!!!) Tapos kumain kame sa Vietnamese Restaurant. Sarap talaga ng pho. Umorder ako ng iced coffee. Dati pag kumakain kami ni Bornok sa Vietnamese Restaurant, ayaw nya 'ko paorderin non kase matapang daw. Eh nakalimutan ko kse kaninang umaga ko pa gusto uminom ng kape kaya umorder ako. Natikman ko, wow, ang tapang nga! as in di ko naubos. Ilang sip pa lang ako, parang nagkaron ako ng cold sweats, tapos nafeel ko agad na malapit na 'kong mag-shake at mag-palpitate ang puso... di ko na inubos!! ang tapang!!! Yun lang, gusto ko lang i-share sa inyo. Babala, kumbaga.
Nasosobrahan na 'ko sa kakapanood at kakabasa ng tungkol kay Ted Failon at sa asawa nyang namatay. Parang suicide naman eh, pati sabi ng kapatid ng asawa ni Ted na kasama lang nya nung umaga. Nagtext pa "Patawarin nyo ako. Mahal na mahal ko kayo." (parang ganon) eh parang suicide note na yun ah? Parang gusto ata kasi dikdikin si Ted ng QC police eh. tsk tsk... kawawa naman sila at ang pamilya. Parang ang dami ko pang gustong sabihin pero tama na kase inaaya na 'ko ni Boo-boo lumabas. Tsaka nga pala... bwisit na bwisit ako sa mga pulis, kung pano nila inaresto yung mga kapatid ng asawa at kasambahay nila... tsk tsk!!! kakahiya sila!!!
Pag-usapan natin 'to. Anong masasabi mo???
Comments (4)
What the police did was absolutely despicable....the head of police should have been included in those who were kicked out. His badge should be taken out as well! >.<
ung una ko itong nakita sa bandila, sabi nila linooban dw. tpos sbe ko sa sarili ko nun. ang sama naman nila. but then HNDI PALA.
i believe that it was a suicide.
the police should treat ALL whether suspect or not, in a HUMAN way. kasi akala mo, nung hinuli ung mga kasambahay. eh tlgang caugh-in the act sila. pero hndi eh. for interrogation pa lng. high profile kasi ung sangkot dito eh. kaya akala ng mga kinauukulan eh, super bida na sila. this made them more NEgative in the eyes of many people.
tska ung sabe ng mga polis, bkit dw hndi kaagad rineport. if we were in the shoes of ted and his family, same boat. the only thing you can think of at that moment is to SAVE the person you love. kelangan niang isalba kaya dinala sa hospital.isn't it?
haay.
@Tei_Hakuto - buti nga nasuspended din yung Mabanag ba yun.. yung superintendent. buti rin inalis na ang QC police sa invetigation.
@Truncated - ako rin naniniwala rin akong suicide. tsaka andami rin nyang pahiwatig eh, diba? tsaka oo nga, kung nakita mong nag-suicide yung mahal mo, shempre sa ospital agad derecho mo tsaka di mo na maiisip tumawag ng pulis kase hindi naman krimen yung tingin mo eh.