Minsan, parang hinahamon ko ng away si Bornok sa text kase nasa work na sya at meron pang unresolved issue. Pero madalas, hindi sya sumasagot. Deadma lang. Mas lalo akong naiinis pag ganon. Bakit di nya rin ako awayin o bakit hindi sya umapela o ano man? Kesa yung walang sagot. Minsan din, hindi naman "silent treatment" ang sadya nya. Talagang DEADMA lang. Pag tumawag na, normal lang. Parang walang nangyare. Nakakainis yung ganon! Parang hindi nya vina-validate yung feelings ko. Parang napaka-nonsense lage, kahit na sa tingin ko eh may point din naman ako. Oo, may mga panahon na mababaw lang talaga, pero tama ba naman na hindi mo pansinin yon lalo na't may sinabi na ako? Wala man lang reaksyon maski kahit ano! Kakairita. Parang walang pakelam!
Ewan!! Oo, may pagka-sensitive ako, pero naman....!! Di naman siguro ibig sabihin non eh puro kaartehan lang ako?!
ay ewan!! napaka-ewan!!
And it's hard to "seize the day" when all I want right now is to stay mad at him... tsk tsk...
Umaga pa lang. Kamusta naman kaya ako mamaya....? haaaaaaayyyy...
ten years.
Comments (2)
sakit na ata ng mga guys yung ganyan...yung galit na galit ka na tapos deadma lang silaat parang walang nangyari...
at sakit na ata nating mga babae yung parang overly sensitive and all tayo...i remember someone dear to me told me na "ang papel nya lang ata sa mundo ay intindihin ang pag-iinarte ko"
hope you feel better soon.
ty. parang agree ako sayo. ok naman ako eh, nabwisit lang ako. vent vent.
hay naku, madali naman akong masuyo kasi 'di ko rin sya matiis.