Lumabas kami ng kaibigan ko kanina. Nagpunta kami sa Chinatown (at adik ako sa mga bags!!! help!! andami don!!!) Tapos kumain kame sa Vietnamese Restaurant. Sarap talaga ng pho. Umorder ako ng iced coffee. Dati pag kumakain kami ni Bornok sa Vietnamese Restaurant, ayaw nya 'ko paorderin non kase matapang daw. Eh nakalimutan ko kse kaninang umaga ko pa gusto uminom ng kape kaya umorder ako. Natikman ko, wow, ang tapang nga! as in di ko naubos. Ilang sip pa lang ako, parang nagkaron ako ng cold sweats, tapos nafeel ko agad na malapit na 'kong mag-shake at mag-palpitate ang puso... di ko na inubos!! ang tapang!!! Yun lang, gusto ko lang i-share sa inyo. Babala, kumbaga.
Nasosobrahan na 'ko sa kakapanood at kakabasa ng tungkol kay Ted Failon at sa asawa nyang namatay. Parang suicide naman eh, pati sabi ng kapatid ng asawa ni Ted na kasama lang nya nung umaga. Nagtext pa "Patawarin nyo ako. Mahal na mahal ko kayo." (parang ganon) eh parang suicide note na yun ah? Parang gusto ata kasi dikdikin si Ted ng QC police eh. tsk tsk... kawawa naman sila at ang pamilya. Parang ang dami ko pang gustong sabihin pero tama na kase inaaya na 'ko ni Boo-boo lumabas. Tsaka nga pala... bwisit na bwisit ako sa mga pulis, kung pano nila inaresto yung mga kapatid ng asawa at kasambahay nila... tsk tsk!!! kakahiya sila!!!
Pag-usapan natin 'to. Anong masasabi mo???